Monday, September 20, 2010

Walang Asal...PHOTOSHOOT sa Quirino


Hindi ba kayo tinuruan ng nanay niyo ng tamang asal?

Pagkatapos ng madugong trahedya na nangyari sa nakaraang hostage crisis sa
Quirino grandstand kung saan walo katao ang patay, may mga walang asal na
mga tao ang dumating at pinagpiyestahan ang insidente.

Habang ang lahat ng tao sa buong pilipinas ay nababahala sa nangyaring hostage taking
ay may mga taong tanga ang dumating at tila yata nasisiyahan pa sa nangyayari.

Ginawa ba namang background sa kanilang PHOTOSHOOT ang bus na ginamit ni Mendoza
sa hostage taking at tuwang tuwa pa ang mga ito habang ang iba ay naririmarim na kung ano
ang kalalabasan ng insidente.

Hoy! kung hindi kayo tinuruan ng nanay niyo ng tamang asal ay bumalik na kayo sa elementary
at kumuha ng subject na GMRC. At lintik na paaralan ang pinasukan niyo kung tinanggap kayo na
maging mag-aaral nila kung ganun namang wala kayong tamang asal!

Mabuti pa ang aso namin sa bahay na si George. Kahit isang kawatan si George ng pagkain ay binabalik
naman niya ang buto nito pagkatapos niyang namnamin ang lahat ng karne. Yun ang sinasabi kong
tamang asal. Isanasauli ang hindi sa kanila.

Mabuti pa ang aso umiihi sa gilid ng paaralan namin kaysa sa inyo na ladlarang pinagmumukhang
tanga ang mga tao sa pilipinas.

Mga inutil ba talaga kayo? hindi ba ninyo alam na magdudulot ng masama ang ginawa niyo kung
makaabot sa CHINA ang mga pictures na iyon?

At umabot nga doon, ginawa pa kayong front page sa isang kilalang newspaper nila.
Binaboy niyo ang pagkamatay ng kanilang mga kababayan.

Ang mga Pilipino talaga. Kung hindi tanga, asal aso naman.

No comments:

Post a Comment

Feel free to drop some comments. It will be greatly appreciated. Thank You!