Thursday, September 30, 2010

Bakit Masama ang Tao...

Siguro ay umaasa silang maka.jackpot sa gambling kasi wala silang pera.
Tao lang kasi sila. Gustong subukan ang lahat ng pinakamadaling paraan upang
magkapera.
Marahil merong mga dahilan kung bakit masama, o nagiging masama ang isang tao.
Hindi naman siguro sila ginawa ng DIYOS para lang maging asong ulol na pagala-gala sa mundo ng walang dahilan. Hindi naman siguro sila ginawa upang maging salot lang sa lipunan. Ginawa po sila ng Diyos na TAO upang maging MAKATAO.



Marahil ang Anak po ng taong ito ay may sakit at kailangan niya ng pera at wala
na po siyang ibang mahanap na paraan kundi mang.Carnap ng sasakyan sa
kalagitnaan ng gabi. Siguro po, isa siyang responsabling tatay sa kanyang anak at gagawin
niya ang lahat para maayos lang ang buhay nito.

Siguro po ay nagnakaw ang taong ito dahil mamamatay na sa sakit na Dengue ang kanyang
Nanay. Pagkat mahal niya ito ay gagawin niya ang lahat. kahit ang magnakaw.


Siguro ay gipit din sa pera ang taong ito. Siguro ay wala nang makain ang kanyang pamilya
kaya naman ay ulit ulit siyang nagnakaw ng pera thru holdaping.

Siguro ay naglalasing at naninigarilyo ang taong ito dahil meron
siyang problema. Baka may problema sa Pamilya, o
Baka siya ay nawalan ng minamahal, o di naman
kaya ay naghahanap ng makakausap. Siguro, malalim ang
kanyang inisip at piling tao lang ang gusto nyang makausap.

Kahit ganito po silang lahat, meron parin silang pagkakataon na magbago. Siguro ay piling tao ang ibibigay ng Diyos sa kanila upang haplosin ang kanilang puso na magbago na.

2 comments:

  1. brad!open minded kaayo ka..pareha jud ta...hahahah..but brad whatever reasons they have for doing such acts, the people sees only is the reality that they still commit crimes that is punishable by law.*(:

    ReplyDelete

Feel free to drop some comments. It will be greatly appreciated. Thank You!