Monday, September 27, 2010

Babaeng gusto kong Punlaan...baw!


Wala akong ginawa ngayong linggo kundi maglakad nang maglakad. Hindi muna ako naglagi sa opisina dahil medyo kumplikado pa ang mga pangyayari. Nakaka.badtrip. Pero okay na ngayon. Medyo COOL na sa paligid.

Pumupunta ako sa karatig paaralan kada hapon hanggang gabi upang kumuha ng Vitamin A na kailanman ay hindi ko makukuha dito. Kung maraming pangit dito sa paaralan kung saan nakatayo ang aming magandang opisina, ganun din ang pagbaha ng bakla at mga malalanding gawa ng Inang kalikasan.
Nasa Silliman Portal West ako nun. Nanonood ako ng palabas na hindi pwede pambata. (At kung iniisip mo na porno to, mali ka! ang dumi ng isip mo!)

Medyo napagod na yata ang isip ko sa nga nakita kong mga bagay bagay na hindi akma sa edad ko, at sa pag-iisip ko. Medyo may pagka inosente din naman kasi akong tao eh.

Paglabas ko nang net cafe. Ay hindi ko naman sinasadyang makita ang isang babaeng ubod ng sexy at ganda. Hindi. Mali. Ang babaeng yon ay ngayon ko palang nakita sa tanang 18 taon ng buhay ko.

At kahit sa unang tingin pa lang ay parang siya na ang sasagot sa mga pantasya ko tuwing gabi. Siya ang babaeng gusto kong anakan...at kahit anong paraan upang maisalin ko lang ang mga maliliit at malilikot kung mga punla sa kanya ay gagawin ko.. Kung yun lang ang paraan para mapasaakin siya...

Hindi ako mapakali. Sinundan ko siya papuntang Lee Plaza. Swerte ko naman. Ang puti ng legs, ang ganda ng katawan at mukha. Pero pramis. Wala po itong malisya.

Ginawa ko ang lahat upang makita ko lang ang maamo nyang mukha. Nasa ladies section siya at pumipili ng mga damit. Nandoon din ako. Pumipili rin ng damit para sa magiging babaeng anak namin.


Hinarap ko siya. Nasa kabilang dako ako. Diyos ko po. ibinuhos yata ng inang kalikasan ang lahat ng ganda sa babeng ito. kutis artista talaga.

Hindi nalang ako nag atubiling kunin ang number niya. hindi ako CHEAP. baka kasi akalain niyang mukha akong si enchong dee. Sino yun? ako po si Ryan Adik...at gusto kitang anakan...

Hindi naman ako manyakis eh. dahil kung ganun ako, nabuntis ko na sana ang lahat ng mga magaganda kong nobya. Pero kakaiba talaga ang babaeng iyon.
Siya yung tipong pang "mother-wife figure". Yung maglilinis ng bahay at parang anghel kung matulog. Yung pagsasawaan mo pag-uwi mo galing trabaho.

2 comments:

  1. hello....

    i like ur blog....
    haha..wala rin akung kwentang tao...palaging nasa bahay..nakakatuwa yung mga post mo sa blog mo...nabasa ko na siguro lahat....

    im sarah by da way...

    tc...

    ReplyDelete
  2. Thank you... :) Kapalaran ang naghatid sayo rito... endi.. Biro lang... Firefox o google chrome ang naghatid sayo rito... E.follow mo blog ko... Tapos e.follow rin kita.. Pero lagyan mo naman muna ng entries blog mo... Fill in the blanks pa kasi eh.. :P

    ReplyDelete

Feel free to drop some comments. It will be greatly appreciated. Thank You!