Hindi ko alam kong ano ang nangyayari sa akin ngayong mga araw na ito. Ang tanging alam ko lang ay ayaw kong magsalita ng maraming bagay. Gusto ko lang manahimik kasi may iniisip ako, marami.
Problema. Puro nalang problema at hindi ko naman kung ano ang dahilan. Pero huwag kayong mag-alala, hindi ako magsasalita ng kadramahan sa post na ito. Pagkat kwela akong bata ay magsusulat ako ng puro masaya.
Unang una, iniisip ko kung gaano ako ka.cute. Habang nasa monitor ako ng computer ay katabi ko naman ang salamin na nagpapahiwatig ng aking kakisigan. Tama na, sobra na, problema na naman to.
Pangalawa, napagtanto ng aking isipan kung gaano na ako ka.cute ngayon, kasalungat noong ako ay musmos pa lang. kung iisipin kong mabuti ay para akong taong grasa sa lansangan na humihingi ng piso sa mga dumadaan. Kulay itim pa ang balat ko noon, sobrang itim. Napakaitim na halos ang ngipin ko lang na kulay dilaw ang maganda sa akin. Tama, maganda ako sa paningin ng Nanay ko.
At kung hindi ka sinabihan ng nanay mo na gwapo ka o maganda ay dahil ayaw lang niyang masaktan ka sa katotohanan na wala ka nang pag-asa na maging artista.
Ang tanging hiling ko lang sa pasko ay pumangit na ako para naman maibsan ang problema ko. (Huwag naman po sana, paano na mga fans ko)
Sa susunod nating pagkikita, paalam!
...luora ray uie....dili nako ma take ang imung pagka feeler nga cute ka..ambot lang jud...were you born that way? or ga imagine ra jud ka? anyway, dili na ko manghilabot...hehe..
ReplyDeletebye!