Kung akala mo ay wala ka nang magawa sa buhay mo ay nagkakamali ka. Pwede mo pang e.untog ang ulo mo sa pader. O di kaya naman ay kumain ka ng kanin na may halong asukal na isanawsaw sa isang kilong asin.
Ito ang gagawin mo kung desperado kang tao at hindi ka matalino. Dahil kung nag iisip ka ng mabuti ay hindi muna gagawin ang mga naunang nabanggit kong mga bagay pagkat mahihirapan ka lang.
Sa katunayan, pwede mo akong tawagan sa oras ng pangangailangan. Pero siguraduhin mo lang na may dalaga kang Pulang kabayo at yosi para naman gumanda usapin natin. Samahan mo na rin ng pagkain kung pwede pa, at load na rin pala sa celpun ko para naman ma.text kita parati.
Pero ito lang ang sasabihin ko sayo. Huwag ka ng magtanong ng mga bagay bagay na kumplikado kung alam mo na naman ang sagot sa sarili mo. Iyan kasi problema ng mga tao.
Alam na ang sagot pero nagtatanong pa rin.
Wala nang pag-asa pero patuloy na nanalangin na sagutin ng Diyos ang makasarili mong dasal.
Talo na pero patuloy na lumalaban kahit walang dalang baluti ng kagitingan.
Huwag kang tanga! May mga bagay talagang hindi naayon sa gusto mo.
Ako ay matalinong tao, ewan ko lang sayo. Dahil kong iisipin mo lang ng mabuti ay marami ka pang magagawang may kabuluhan kaysa magmukmuk ka at isipin mo ng pa ulit ulit na talonan ka! at wala kang kwenta!
Kung Inaakala mong wala nang nagmamahal sa pagkatao mo. Isipin mo nga kung sino ang nagpapakain sayo.
No comments:
Post a Comment
Feel free to drop some comments. It will be greatly appreciated. Thank You!