Thursday, September 23, 2010

Habang Lasing....


Maraming mga walang kwentang bagay ang sumagi sa isipan ko habang ako ay lasing nung isang gabi. Habang hawak ang isang basong alak sa kaliwa at yosi sa kanang kamay ay marami akong napagtantong mga bagay.

WALANG KWENTANG PAGKAIN. araw araw nalang yata ay halos pare pareho ang pagkaing kinakain ko. TALONG AT ITLOG sa umaga, sa gabi, pati ba naman sa gabi ay ganun parin. Hindi ako natutuwa sa nangyayari dahil kung nandito lang sana ang nanay ko ay siya ang magluluto sa akin ng masasarap na pagkain-- tuyo at bagoong.

Sobrang sawang sawa na ako sa pagkaing ito.

WALANG KWENTANG UTAK. sa tingin ko ay umaayon na rin yata sa walang kwenta kung buhay ang matalino kung utak. Alam ko namang gusto kong kumuha ng malaki laking score sa exams pero talagang ayaw ng utak ko na mag-aral. aral...aral...

sa katunayan ay nakakatulog nalang ako sa kaaaral dahil talagang nakakapagod..ayaw kong mag.aral..period..

WALANG KWENTANG DAMDAMIN. talaga namang walang kwenta ang puso nang tao. Kahit gustohin mo mang kalimutan ang lahat ng mga bagay na gusto mong kalimutan ay unti unti pa rin itong bumabalik sa iyong alaala...
Alam mo namang wala na nga..tanga ka ba..bakit ka pa nag-iisip ng mga ilusyon..wala na nga.. wala ka nang pag-asa dun.. pero ayaw ko na nga..ayaw ko..ayaw ko..tanga yata itong puso ko..hunghang..ayaw ko na nga talaga..eww..eww..oh tama na..oa oa oa na..

No comments:

Post a Comment

Feel free to drop some comments. It will be greatly appreciated. Thank You!