Sunday, September 12, 2010

Drawing, ang talentong wala ako

 

Stick Drawing - ito lang yata ang kaya kung gawin kung ipapaguhit mo sa akin ang pangit mong mukha.

Bakit ba naman kasi nagkaroon ako ng subject na Engineering Drawing? Hindi ba alam ng titser ko na nahihirapan nga akong e.drawing ang CUTE kong mukha.

Simula ng mag.grade 6 ako. Na.realize ko na talaga na wala akong mapupuntahan kung kursong Fine Arts Major in Painting ang kukunin ko sa Kolehiyo.

Minsan, sinubukan ko naring  e.drawing ang crush ko sa 1/4 na yellow paper. Yun lang ang nakayanan ng charisma ko ng humingi ako ng papel sa classmate ko. Hindi kasi uso ang gwapong katulad ko sa panahong iyon.

At imbes na e.drawing ko ang maamo nyang mukha, larawan ng asong ulol ang lumabas. Talented! biruin mo. Nagiging hayop din pala ang tao.

Akala ko, makakatakas na ako sa kalbaryong dulot ng drawing. Pagtungtung ko ng kolehiyo ay meron na namang drawing subject.

Ang subject na naging dahilan sana nang pagkaka.expel ko nung hayskul dahil sa sunod sunod na pangongopya sa kaklase ko. Lakra Tinta!

1 comment:

  1. ..haha...pa'no hindi maging asong ulol ang drawing kung ang nag drawing eh asong ulol din naman? tsk3...shift ug com sci uie..haha

    ReplyDelete

Feel free to drop some comments. It will be greatly appreciated. Thank You!