![]() |
Siguro ay umaasa silang maka.jackpot sa gambling kasi wala silang pera. Tao lang kasi sila. Gustong subukan ang lahat ng pinakamadaling paraan upang magkapera. |
Marahil merong mga dahilan kung bakit masama, o nagiging masama ang isang tao.
Hindi naman siguro sila ginawa ng DIYOS para lang maging asong ulol na pagala-gala sa mundo ng walang dahilan. Hindi naman siguro sila ginawa upang maging salot lang sa lipunan. Ginawa po sila ng Diyos na TAO upang maging MAKATAO.
![]() |
Siguro po ay nagnakaw ang taong ito dahil mamamatay na sa sakit na Dengue ang kanyang Nanay. Pagkat mahal niya ito ay gagawin niya ang lahat. kahit ang magnakaw. |
![]() |
Siguro ay gipit din sa pera ang taong ito. Siguro ay wala nang makain ang kanyang pamilya kaya naman ay ulit ulit siyang nagnakaw ng pera thru holdaping. |
Kahit ganito po silang lahat, meron parin silang pagkakataon na magbago. Siguro ay piling tao ang ibibigay ng Diyos sa kanila upang haplosin ang kanilang puso na magbago na.