Friday, May 6, 2011

Usapang Tulo Laway - Natutulog


Kung may writer man na ginawang clown ng mga taohan ni Ampatuan ay siguro ako na yun. Hindi man nila ako pinatay eh pinagkatuwaan naman ako't ginawang hari ng komedya sa klase. Ako ang biktima at ang mga kaklase ko ang mga sundalo ni Ampatuan.

Nasubukan mo na bang matulog sa klase at tumulo ang laway? Alam kong kadiri.
pero hindi ako naglaway. Natulog lang ako, este nakatulog ako habang nag-di-discuss
ang titser naming Ph.D at assitant dean sa malaki naming unibersidad.

Sa totoo ay di ko alam ang lahat ng nangyari. Ang alam ko lang eh nakatulog ako at nanaginip kay Nina Dobrev. Ang kanyang maamong mukha at walang tawad na kaseksihan. Biro lang.

Nang gumusing ako. Este, nang ginising ako ng mga kaklase ko(ginising nila ako ng 30 minutes). Ang mas nakaktawa pa eh nagtulungan pa sila ng titser ko pero wa-epek parin dahil tulog nat tulog
ako.

Ang mga klasmeyts ko namang mga walang hiya eh kinunan ako ng picture at videos.
Napakalaking scandal ang nangyari at di ko alam kung paano ko pa haharapin silang
lahat.

Minsan, iniisip ko kung magpakamatay nalang kaya ako. Solv ang problema kung ganun. Pero mahirap magpakamatay kung alam mong walang saysay at wala kang kabayanihang ginawa.

Pag may nakikita akong mga taong nagtatawan sa skul iniisip ko, "Mga walang hiya. Pinagtawawanan ako"

Tapos, "Tawa ng tawa eh ang papangit naman. Mukha nyo parang demonyo"

Pero sa totoo ay walang kasiguraduhan kung ako ba talaga ang pinag-uusapan nila.
Instinct ko lang ang nagsasabi nun.

Ang tanging resbak ko lang pag may nagtatanong sakin eh, " hahahaha... The point was, they were smiling at me not because I looked stupid but just because I look so CUTE that they couldn't help but giggle...hahaha"

Bow! Kalabaw!

No comments:

Post a Comment

Feel free to drop some comments. It will be greatly appreciated. Thank You!