Tuesday, May 3, 2011

Si Bin Ladin - Nagretiro na



Ikaw naman kasi Bin Ladin eh. Ang haba na ng balbas mo. Yan tuloy at nakita ka ng mga sundalong amerkano. Pinagtripan ka. Sisihin mo ang balbas mung parang kambing. Magreretiro kana pala.


Bata palang ako eh kilala na kita. Ikaw yung nakigpagdigma kay Bush. Bata palang ako nun. Walang hiya ka. Dahil sayo tumaas ang presyo ng gasolina. Tumaas ang presyo ng pagkain. Di natuloy ako makabili ng gas sa motor ko. At yun ay dahil sayo. Lang ya ka!


Di ako makapaniwala na mas may halaga kapa kaysa sa akin. Biruin mo? handang magbayad ng isang milyong dolyar ang gobyerno para lang mahuli ka. Obyos naman siguro na mas cute ako kaysa sayo nung teenager ka pa.


Oo nga pala. Nakalimutan kung sabihin na ang pangit mo. Amoy kalabaw ka. Teka. Ilang beses ba sa isang taon kung ikaw ay maligo. Kaya kung bilangin ang mga araw na nakatim ng tubig ang malupa mung katawan. Ang baho mo. Maligo ka naman.

Nung binalita na namatay kana raw eh medyo di ako makapaniwala. Buhay kapa pala? akala ko matagal kanang dinumog ng mga uod. Pero huli na ang lahat.


Huli na ang lahat. Tumaas na ang presyo ng gasolina. Nagmahal na ang gatas at kasalanan mo kung bakit di ako tumangkad. Walang hiya ka. Makonsensiya kana man sana sa mga ginawa mo.


Oo, makonsensiya ka sa imyerno dahil sa mga kagagohang ginawa mo.

No comments:

Post a Comment

Feel free to drop some comments. It will be greatly appreciated. Thank You!