Tuesday, May 17, 2011

Sir, Di ko na po mahal GF ko



Tanong: Sir, ano po ang gagawin ko. Di ko na po mahal ang girlfriend ko pero alam kong mahal pa po niya ako. Na-gu-guilty na po kasi ako eh.

(Ito ang text na natanggap ko nung isang araw. At dahil mahal ko ang mga kababayan kong mga Pinoy eh, pagbibigyan ko at sasagutin ang lahat ng mga katanungan niyo.)

Sagot: Pre, walang hiya ka. Ba't mo naman linigawan yung babae kung di ka pala sigurado sa nararamdaman mo noong nagliligawan pa kayong dalawa.

Ang alam ko kasi, base sa kaya kong ibigay na pagmamahal, di yun mangyayari kung focus ka lang sa nobya mo. Siguro may kinakarengkeng kang iba noh? lang ya ka!

Ang masasabi ko lang eh mas mura ang tanduay kaysa drugs kaya naman kung papipiliin mo ako sa dalawa eh mas gusto ko yung isda na pinirito. Di masama kung mawala ang pagmamahal mo sa nobya mo. Ang masama ay kung ini-ignore mo siya dahil di mo na siya gusto. Mas masakit kung may liniligawan ka ng iba.

Mahirap humanap ng babaeng mamahalin ka. Sa panahon ngayon na kung saan ang lahat ng bilihin ay nagmamahal na, di muna ma-a-afford ang mga prosti sa kanto. Mag-isip isip kang mabuti kung ano ang gagawin mo sa nobya mo.

Minsan, di ka dapat bumitaw sa pangako mo sa isang tao. Tulad lang yan pag nagdudumi ka sa banyo, dapat huwag mong bitawan kundi sasakit tiyan mo. Kuha mo pre? 
 

No comments:

Post a Comment

Feel free to drop some comments. It will be greatly appreciated. Thank You!