May tanong lang ako. Alam ba ng mga paring katoliko kung paano gamitin ang condom? Hindi kasi nila alam kung gaano kahirap magpakain ng pamilya dahil wala sila nun. Hindi nila alam kung gaano naghihirap ang bansa natin dahil sa populasyon dahil naka-upo lang sila sa gintong silya at nagpapalaki ng tiyan. Hindi nila ramdam ang hirap dahil kinakain nila ang mga abuloy ng sambayanang Filipino.
RH Bill dito. RH Bill doon. Sa totoo lang eh wala naman talaga akong pakialam sa RH bill noong una. Pero ng makita ko ito sa dyaryo, sa telebisyon, ng marinig ko to sa mga radyo, ng nabasa ko to sa mga blogs ng mga kapwa ko manunulat eh medyo naalarma ako.
Naalarma ako sa kadahilanang ganyan pala kababaw ang mga Filipino at kailangan pa nilang pagdebatihan ng ilang libong taon ang tungkol sa isang gumang hugis hotdog na tinatawag nilang condom at iba pang contraceptives.
Masama bang gumamit ng condom?
Oo nga. Masama ba talagang gumamit ng condom? Ang sagot ng mga pari dyan ay "Oo". Dahil sabi sa Biblia na "Go to the world and Multiply." Pero sa akin lang, di sinulat sa biblia na "Fill in the whole world and use up its resources."
Bakit? pag humingi ba ako ng juice sa baso ko eh pupunuin mo yun hanggang bumaha ang hapagkainan nang dahil sa katangahan mo?
Pag sinabi ko bang "Pahingi ng kanin", eh pupunuin mo plato ko hanggang bumuo ng bundok na gawa sa kanin? Alam mo naman pala na hindi eating machine ang tao eh bakit mo pinuno plato ko?
Nang sinulat ang Biblia. Alam ng mga propeta na may parte sa utak ng tao na tinatawag nating common sense. Alam nila na kayang pangatawanan ng tao ang kanilang sarili at alam nila na alam natin kung ano ang tama at mali. Ang masasabi ko lang sa mga pari, kung di niyo pa alam gumamit ng condom, subukan niyo. Gumawa kayo ng bata kung gusto niyo ng malaman niyo kung gaano kahirap buhayin ang isang pamilya.
No comments:
Post a Comment
Feel free to drop some comments. It will be greatly appreciated. Thank You!