May nagmensahe sa akin kahapon. Tinanong ko siya kung ano pangalan niya pero iba ang sinagot sa akin. Di ko inasahan na sasagutin rin ako ng tanong.
Pare, matuwa ka pagkat akoy nagalak sa makitid mung utak. Kunti nalang kasi sa mga pinoy ngayon ang sumasagot ng tanong habang tinatanong ng tanong.
Ikaw ba si Bob Ong?
Hindi ako si Bob Ong. At lalong lalo namang hindi ako si papa jack. Sadya lang talagang lutang na lutang ang aking pag-iisip dahil sa druga na tinawatag kung letra kaya naman ay nakakagawa ako na kung hindi man nakakatuwa ay nakakainis na mga entry.
Gusto kung malaman mo na ang pangit ni Bob Ong at ang baho baho ni Papa jack kaya naman siguro puro rin mabaho ang mga sinusulat nila.
Yun ang maganda dun eh. kapag mabaho, binabasa. kapag pangit, tinitingnan. Kaya naman lahat ng mga libro na gawa nila ay patok na patok. Huwag kang mag-alala. Nagsusulat ako ngayon ng libro na katas ng aking pag-iisip (may utak rin naman ako. Paminsan minsan ko na nga lang ginagamit).
Paano ko mapapasagot ang isang babae? sa tingin ko kasi ayaw niya sa akin
Sa sinabi mo pa nga eh "sa tingin ko kasi". Sa tingin mo lang yun. Paano mo ba malalaman na mabaho ang tae ng manok kung di mo naman sisiguraduhin na tae nga yun gamit ang ilong mo.
Teka, magkakilala na ba kayo? kung ganun eh mas okay yan. Mas madali ika nga. Kumpleto na ang mga sangkap. Kulang nalang eh magsindi ka ng apoy at lutuin ang ulam.
Huwag kang magpapansin masyado. Sa ibang salita eh huwag kang masyadong obyos kahit na obyos naman na may gusto ka talaga sa kanya. Huwag kang masyadong makipag-close. Lagyan mo ng boundaries.
Mag-joke ka. Siguraduhin mo na korny ang joke mo para naman matawa siya. Mas nakakatawa kasi yung joke na hindi nakakatawa kaysa mag-joke ka na walang kasiguraduhan kung matatawa ba yung tao o hindi.
Magpa-pansin ka sa kanya. Pero huwag mong kausapin. Kunyari dadaan ka sa clasrom niya at kunwari may hahanapin. Yun ang una eh. Dapat niyang makita ang pagmumukha mo kahit gaano ka pa kapangit.
Maging belib ka sa sarili mo. Kung loko loko ka o bobo o matalino eh ipakita mo yun sa kanya. Kung wala kang pera eh di tanungin mo siya kung papayag ba siyang kumain ng babanacue o di kaya naman eh kwek kwek dun sa kanto.
Ang mahalaga eh merong hepatitis yung pagkain para naman kung magkasakit siya at may chance ka nang maalagan siya.
Kuha mo?
No comments:
Post a Comment
Feel free to drop some comments. It will be greatly appreciated. Thank You!