Sunday, January 9, 2011

Walang Maisulat...


Kung nagbabasa ka ng blogpost ko ay siguro magtataka kung bakit nasabi ko ngayon na walang akong maisulat.

Hindi ito normal sa taong puro computer at pagsusulat ang kinakain araw araw, na kahit sa klase ay nagdadala ng maliit na notebook at bolpen para lamang maisulat ang ano anong bagay na lumalabas sa kanyang utak. sa ibang salita, werdo akong tao.



Bakit wala akong maisulat? Dahil wala nga. Pero alam ko na meron akong dahilan.
Na merong mga bagay na gusto ko sanang gawin pero hindi ko ginawa pagkat alam kong hindi tama. Na merong mga taong mas ninais kong pakitaaan ng karahasan kesa pakitaan ng motibong alam kong magdudulot lamang ng komplikasyon sa maganda ko nang buhay.

Hindi ko alam kong isa bang pagkakamali ang maging ganito sa labing anim na pagkakataon. Matagal ko nang alam na wala itong patutunguhan. At matagal ko na ring alam na ako ang taong walang patutunguhan sa larangang hindi ko masyadong kabisado.


Sana ay noong gabing yon, hindi nalang ako umalis dito sa pugad ko, sa opisina, at tinapos ko nalang ang lahat ng aking gawain. Sana ay ginawa kong manhid ang sarili ko ng mga panahong iyon para wala akong maramdaman. Pero ako'y mahilig sa matalinghagang istorya at naniniwala sa pag-ibig sa unang pagkikita. At yun nga...

Pero napag-isip isip kong (dalawang linggo na ang nakaraan) ako ay tapos na sa mundo ng kahibangan at kailangan munang atupagin ang mga bagay na importante. Mas importante pa sa mga bagay na tanging mga talunan lamang ang maniniwalang magtatagal.

At siguro ay dito na ito matatapos...ayaw ko nang magsulat pa...hindi ko na masyadong makita ang mga letra sa monitor...natatabunan na ng mga butil ng tubig... 
Mga luhang para sana sa iyo...
Mga kamay'ng gusto ka sanang hawakan pero aking pinipigilan...
Mga matang gusto ka sanang titigan pero aking pinipikit...

Masaya ako sa naging desisyon ko, dahil ayaw ko talaga sayo.
Ayaw ko....
Ayaw ko....
Ayaw ko nang lumayo sa iyo.


Mga Medyo katulad din na post: E.click niyo lang


No comments:

Post a Comment

Feel free to drop some comments. It will be greatly appreciated. Thank You!