May mga nagtanong sa akin ngayong araw.
Pare, bakit pa ba kailangan nating mag-aral? diba? naging milyonaryo naman si Bell Gates gahit drop out siya sa college, si Mark Zugerberg (Tama ba tong spelling?) naging sucessful din. Ba't hindi nalang natin sila gayahin?
Sagot:
Tanga ka ba? kaya mo bang gumawa ng bagong computer program at operating system na makakatapat sa Microsoft? Kaya mo bang gumawa ng social networking site na makakataob sa Facebook?
Pare, bakit mahirap ang math?
Sagot:
Tanungin mo si math kung bakit siya mahirap. Kung ayaw niyang sumagot eh hayaan mo nalang na palagi kang low scores sa exams niyo. May retake pa naman next semester.
Alam mo Ryan, matalino ka naman talaga eh pero bakit hindi ka dean's lister?
Sagot:
Loko ka ba? paano magiging dean's lister ang isang taong gumigising ng alas dyes emedya ng umaga habang ang klase niya ay alas nuebe?
Paano makakakuha ng malaking grades ang isang estudyanteng mas marami pa ang mga araw na lumiban siya sa klase kay sa nong present siya?
Alam mo. Magiging dean's lister ako kong ang basehan ng grades ay patungkol sa kalokohan.
Kuya Ryan, bakit ba ganyan ang ugali mo?
Sagot:
Ano bang problema sa ugali ko? Huwag ka ngang kuya ng kuya kasi hindi kita kaano-ano. Kung ayaw mo sa akin eh ayaw ko rin sa iyo.
Huwag kagn tanong ng tanong kung anong nangyari sa akin. Hindi ka titser.
Tanungin mo ang nanay at tatay ko kung bakit sila gumawa ng cute na anak tulad ko.
Tulong naman dito oh
Sagot:
Eh sadyang ayaw ko nga tumulong. Angal ka?
Umuwi ka na!
Uuwi talaga ako. Mabuti pang mag lakad ako sa boulevard kasi magkakapera pa ako kaysa manatili dito at amuyin ang mabahong hininga mo!.
Ryan, inlove ka ba?
Sagot:
Loka loka ka ba? ba't bayan nalang ang tinatanong mo sa akin parati. Wala bang bago?
Mas mabuti pang tanungin mo nalang ako kung nagmahal ba talaga ako. (pareho din yata yun)
No comments:
Post a Comment
Feel free to drop some comments. It will be greatly appreciated. Thank You!