Hindi ito ang unang beses na paratangan ako ng mga mahal ko sa buhay.
Paratangan akong magnanakaw.
Noong bata ako, pinaratangan akong kumuha ng walong libong piso dahil hawak hawak ko ito. Hindi nila alam na nakita ko yun at kinewenta ko ang pera para isauli sa katulong namin kasi siya yung nag.bubudget ng pera.
Hindi man lang sila nagtanong at sinampal ako sa mukha kaagad. Hindi ako umiyak. Hindi ako umimik. Tumahimik lang ako habang tuluyang ginawang basahan ang mukha ko. Grade 5 pa ako noon.
Noong college naman, pinaratangan akong kumuha ng celphone. Mumurahing celpon. Tapos tumawa lang ako kahit lahat sila ay ginawa na akong suspek. Wala akong pakialam dun.
Noong isang taon naman, pinaratangan akong kumuha ng DSLR cameras. Tatlo pa at nagkakahalga ng 250,000. Tumawa lang din ako. Inimbestigahan ako ng pulis. Inimbestigahan ako ng paaralan. Wala eh.
Napahiya tuloy yung mga nagturo sa akin. Mamatay sana kayo. LETSE.
Ngayon naman, tinawagan ako ng tita ko dahil suspek daw ako sa pagnanakaw sa isang sapatos na nagkakahalaga ng 5,000 pesos. Palagi nalang ako. Okay lang din.
Atleast, sikat ako sa nakawan. Pwede nang LUPIN The Fourth.
Kaya naman pala siguro ganito ako. Manhid at brutal. Wala na akong pakialam sa damdamin ng iba. Kung masakit akong magsalita ay bahala na sila.
Hindi ganoon kadali na ang mga taong mahal mo, na ang mga matatalik mong kaibigan, na ang mga inakalang mong pangalawa mo nang Ina, na ang mga kamag-anak mong inakala mo'y nagmamahal sayo ay paratangan ka ng isang kasalanang ni minsan ay di mo ginawa.
Kailanman ay di ako nagnakaw. Kahit piso sa bag ng lola ko.
Tama si Ina. Walang TAO sa mundo ang magtitiwala at magmamahal sa akin higit kaysa kanya.
No comments:
Post a Comment
Feel free to drop some comments. It will be greatly appreciated. Thank You!