Friday, January 14, 2011

Usapang Pag-ibig...


Kahit gaano man kabarumbado ang isang lalaki, darating ang araw na may isang barumbadong babae ang makakatapat sa kanya.

Siguro nga ay totoo ang mga katagang ito. Minsan, babae lang talaga ang katapat ng mga masasamang lalaki dyan sa tabi tabi.

Pero hindi yan ang gusto kong pag-usapan ngayon. Gusto kong pag-usapan ang isang walang kwentang pag-ibig na kainlanman ay hindi ko sinadyang mangyari.

Ang tigas talaga ng ulo mo anu? bakit kaba kasi tanong ng tanong ha?

Sinisira mo tuloy ang pagkakaibigan nating dalawa.

Kung alam mo naman pala eh bakit ka pa nagtatanong? diba hindi na yun mahalaga kasi may buhay pag-ibig kana.

Ano ba talagang gusto mo? ginagawa mong kumplikado ang mga pangyayari.

Hindi ko kailangang sagutin ang tanong mo dahil hindi pa sira ang ulo ko.

At kung alam mo na naman pala, eh bakit ka pa nga kasi tanong ng tanong? ha?

Tinanong mo ako noong isang linggo tungkol dito. Tinanong mo ako noong isang araw. Tinanong mo ako kagabi. Pati ba naman ngayon? Meron akong ginagawa sa opisina at disturbo ka.
Hindi ko alam ang gusto mo. Pero ang gusto ko ay manahimik ka na. Sumaya ka sa piling ng iba.


At noong sinabi ko sayong hindi ikaw ang tipo kung babae ay sinabi mong sinungaling ako. Ano ka ba? tanga ka ba? iba yung 'tipo' sa 'mahal'. Iba yung 'gusto' sa 'pag-ibig'

Nakuha mo? kung hindi mahina ang processor ng utak mo ay makukuha mo toh.

Hindi ko rin naman sinabi na totoo ang hinala mo.

Pero sadyang ikaw yung tipong assuming. At gusto mo talaga akong paaminin.

Ano naman ang aaminin ko? wala nga diba? Tigas ng ulo mo.

Magkaibigan tayo. Walang ganyanan. Masaya ka na. Doon kana. Huwag mo na kasi akong atupagin.

Kung hindi lang kasi kita kaibigan eh matagal na kitang sinabit sa krus sa kakulitan mo.

Huwag kanang magtanong ulit. Para masaya ang mundo.

No comments:

Post a Comment

Feel free to drop some comments. It will be greatly appreciated. Thank You!