Monday, January 31, 2011

Babaeng Makulit...





Alam na alam ko na sa mundong ito ay tanging mga bata lamang ang may karapatang maging makulit. Pero Ikaw? Iba ka. Hindi ka lang makulit. Assuming ka pa.

Tanong: Bakit weird ka sa akin? ano bang ginawa ko sayo?
Sagot ko: Wala lang... hindi lang talaga ako komportable sayo..

Tanong: Siguro, sobra na ang pagkagusto mo sa akin ano?
Sagot ko: Pwede ba? huwag kang assuming...(Itinanong niya nato sa akin ng ilang beses. Ang tigas talaga ng ulo.)


Tanong: Bakit hindi mo maamin na inlove ka sa akin?
Sagot ko: .............................................................
(Tanging dots lang ang ni.reply ko. Syet. Wala man lang akong masagot. Kakainis na kasi)

Tapos ako naman ang nagtanong.

Nararamdaman kong ayaw mo sa kin. Bakit?
Sagot niya: Kasi you are a pretender. Sa tingin ko ay parati kang nagsisinungaling sa sarili mo. Ang lakas pa ng loob mong sabihin sa akin na kaya mo akong paibigin sa maikling panahon. Insulto yun sa pagmamahal ko sa aking nobyo. At saka, hindi mo man lang maamin sa akin na mahal mo ako? bakit? mahirap bang sabihin yun? hindi kita gusto dahil hindi ka totoo sarili mo.

Sagot ko: (Nag.change topic) Pero okay rin tayo diba? kahit hindi mo ako gusto bilang isang tao. Magkaibigan pa rin tayo. Wala akong pakialam sa emotional drama mo.

Kahit ganito ang babaeng ito, matigas ang ulo, assuming, at makulit, hindi naman ako galit sa kanya. Wala lang. Kaibigan ko kasi eh. Pinagbibigyan ko nalang sa anong gusto niyang sabihin sa akin. Ayaw kong sumakay sa trip niya. Medyo passive kasi ako na tao eh. Wala lang. Lahat ng bagay sa paligid ko, lahat sila, sa tingin ko, ay.....wala lang....

1 comment:

Feel free to drop some comments. It will be greatly appreciated. Thank You!