Saturday, April 30, 2011

Salamat sa Salabat?


Noong Mayo 17, 2011. (Oo, 2011. Alangan ba naman 2010 pa ngayon diba. Isipin mo nga kong tumanda ka ba o may nagbago ba sa mukha mong dinudumog na ng mga kulobot.)

Birthday ng isang kasamahan namin dito sa opisina. Alam ko ring matagal na yun at kung sa siopao pa ay panis na panis na siguro to't di na mkakain.

Pero ang rason kung bakit ko pa to sinasabi eh dahil kumanta ako ng isang kantang hindi ako gusto, Terrified. Medyo nangharana kami ng iba ko pang mga kabarkada at tila nagkatuwaan kami't binuhos ko talaga ang boung pwersa ko't lakas para lang sa kantang yun.

Imbis na masiyahan yung taga-bahay eh tila, kahit di ko sila narinig, ay gusto nilang sabihin na "Tumahimik ka nga ang pangit ng boses mo!".

Pero wala akong pakialam kong ano ba talaga ang tunog ng boses ko sa mga panahong iyon. Ang alam ko lang, nang dahil sa kantang yun. Gumusing silang lahat.


Bako ko pa makalimutan. Salamat sa salabat.

No comments:

Post a Comment

Feel free to drop some comments. It will be greatly appreciated. Thank You!