Monday, April 25, 2011

Shit - Lang Hiya - Masama 'yan



Shit! May iba na sana akong sinulat para  sa entry na ito pero dahil sa kamalasan ay na-delete ko ang post ko. Ingles pa naman yun. Hindi birong magsulat ng mamahaling Ingles sa panahon ngayon, lalong lalo na taghirap na sa bansa natin na noon ay kung tawagin ay perlas ng silangan. Oo, kung nagbabasa ka nito ay huwag kang magmarunong pagkat alam kung linya yan ng kantang "Bayang Magiliw" na kung nasa elementarya pa tayo ay susundan ng Panatang Makabayan Iniibig ko ang Pilipinas.


Ngayon ay gusto kong sirain ang monitor na to. Sheeett. Maganda pa naman yung entry na yun dahil parang pang matalino. Sa utak kung puro Naruto at Manga lang ang laman ay mahirap magsulat ng babasahing de kalidad. Yung tipong pang-palanca awards. (Huwag mag-reak dahil balang araw ay susungkit ako ng medalya sa Palanca.)


Ang entry na yun. Xeeeeeettt. Talagang gusto ko yun. Yun ay isang obra maestra na sa blogosperyo niyo lang makikita, sa blog site ko lang ninyo makikita. Wala sa iba. Yun ay patungkol sa mga sinulat sa mga nakalipas na buwan.


Oo nga pala. Nakalimutan ko. Dahil ako ay nag-aaral parin ngayon (Hindi ako bumagsak. Loko ka ah!) ay hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na sumali sa Silliman University Golden Anniv. National Writer's Workshop, Iligan Writer's Workshop, IYAS National Writer's Workshop, at yung isa pa sa Davao.


Wala akong magagawa. Medyo hectic ang schedule. Pero kailangan ko talagang maging magaling sa larangan ng Creative Writing eh. Kailangan kong matuto pagkat gusto kong ibahagi sa mga kapwa ko manunulat ang aking mga bagong matutunan.


Ito na muna. Medyo sumemplang ang nahuling paragrap. Ewan ko ba. Kung ano ano nalang kasi ang pinupuga ng utak ko eh.


2 comments:

Feel free to drop some comments. It will be greatly appreciated. Thank You!