Monday, November 8, 2010

Usapang Johnson's Baby Powder...


Paalala: hindi ibig sabihin naglalagay nang PULBO ang mga lalaki ay bakla na sila. Baka hindi mo alam, yang syota mo, kahit hindi naglalagay ng pulbo, ay mas bakla pa kung maglagay ng mga beauty products sa mukha kung wala ka.

Alam kong medyo nakakabighani ng interes ang isang lalaki na naglalagay ng Johnsons Baby Powder sa mukha tuwing alas dose ng hating araw dahil sa pawis niya sa katawan at mukha.

Pero tika muna, kung akala mo ay ako ang taong ito. Nagkakamali ka.

Dahil ang tinutukoy ko ay ang mga lalaking kasama ko dito sa opisina.

 Hindi sila bakla. Mas lalaki pa sila kisa sa boyfriend ng maganda mong kaibigan. At sila yung mga taong masasabi mong may talento talaga.

Noong una, akala ko ay isang malaking kabaklaan ang paglagay ng pulbo sa mukha ng mga kalalakihan. Pero nung tumagal ay natutunan ko na ang teknik na ito. Isa itong malaking teknik upang mapansin ka ng mga babae.

Sino ba namang babae ang magkakagusto sayo kung punong puno ng mantika ang pagmumukha mo na parang nanggaling ka sa piestahan ng lechon. Isipin mo nga?

Hindi mo ba naisip na baka, baka lang. Ang Jonhsons Baby Powder na ang tanging superhero ng iyong pagmumukha! na baka ito ang pagkakataon na mapansin ka nag crush mo sa school.

Pero teka, hindi ko sinabing pagkatapos mong magpulbo ay pwede kanang maglagay ng lipstik at blush on. Hindi ko sinabing maging bakla ka!

Yun lang. Dito na magtatapos ang usapang Jonhsons Baby Powder.


No comments:

Post a Comment

Feel free to drop some comments. It will be greatly appreciated. Thank You!