Sunday, November 7, 2010

Mga bagay na pinaghihinayangan ko...


Sa mga araw na ako ay nabuhay sa mundong ibabaw ay napagtanto kong marami pala akong mga bagay na pinanghihinayangan.

Mga bagay na sana ay kinain ko pero nakalimutan ko kasi akala ko late na ako sa klase.

Sa mga araw na hindi ako na ligo kasi akala ko makakabuti yun sa katawan ko.

Sa pag akala kong ang hindi pagligo ay makakabuti sa katawan dahil mamumuo ang baluti na gawa sa lupa.

Na sana ay sinuntok ko nalang ang ???? ng tatay ko noong ako ay musmos pa para matakot siyang iwanan nanay ko.

Sa mga taong tinuring long kaibigan na nagpatulo sa akin ng luha, sumalangit nawa kayo.

Sa Jonhsons baby powder na nahulog sa imburnal nung isang linggo, gusto kong malaman mo na isinapuso ko ang pagbibigay mo sa kin ng fresh face araw araw.
Nakalimutan ko pala, hindi kita pag-aari. Naiwan kalang ng crush ko nong nag.pulbo siya sa Female CR.

Sa pag iwan ko sa larong badminton dahil gusto ko sanang bigyan ng oras ang ibang tao, eh di sana ay sobrang galing ko na ngayon at nakalaro ako ulit sa UNIGAMES.

Sa sinayang na panahon sa pag-aaral dahil sa maling akala.

Sa mga babaeng nagkagusto sa akin na binalewala ko lang. Pasensiya, hindi kayo nakaabot sa panlasa ko.
Sa mga babaeng binalewala ako. Hunghang kayo! hindi niyo alam ang salitang RARE and UNIQUE.


Sa mga taong nangbuwesit sa akin, masusunog din kayo sa impyerno.

Sa mga taong nagmahal sa akin, pasensiya pero wala kayong regalo sa pasko.

Sa mga taong gusto akong mawala, mauna muna kayo.

Sa mga taong nag-iisip na pangit ako, tingnan niyo muna pagmumukha niyo.

Sa mga taong nag-iisip na bobo ako sa englis, hindi pa kayo aabot sa kuko ng daliri ko kung magsusulatan tayo.

Sa mga nag akala na hindi ako marunong gumuhit, palakpakan pagkat TAMA kayo.

Sa mga crushes ko, maawa kayo at pansinin niyo ako.

Sa mga math teachers ko, hindi na ako takot sa inyo.
Calculus? panis kana sa akin ngayon.

Sa sira kong tootbrush, huwag kang mag-alala gagamitin parin kita pang tanggal ng dumi sa sapatos ko.

Sa mga multo na umaaligid sa akin, matakot kayo sa mukha ko.
Sa mga taong akala nila ay may gusto ako sa kanila, hoy! wala akong panahon sa mga tipo niyo. Wag kayong assuming.

Sa sapatos ko na converse na nasira sa loob lang ng dalwang buwan, walang hiya ka. Ang mahal mo pa naman.

Hari ng Negros, palapit na ako.

Sa mga nagsabing payat ako, humanda kayo pag lumaki katawan ko. Itatapon ko kayo sa labas ng bintana.

Sa mga taong hindi pa nakabasa ng Blog ko, pagkakataon niyo nato.

Mga katulad din na Blog Post:

No comments:

Post a Comment

Feel free to drop some comments. It will be greatly appreciated. Thank You!