Monday, November 1, 2010

Matalino ang gumawa sa akin...


Kung sino man ang mga tao na gumawa sa akin, ako ay nagagalak na tinama talaga nila ang petsa ng aking kapanganakan pagkatapos ng araw ng mga Santo.

Hindi ko alam kong ikatutuwa ko ba ito o hindi. Pero sa ngayon, ito lang ang masasabi ko. Hindi ako natutuwa pagkat wala akong kasama bukas sa kaarawan ko, November 2. Tatanda na naman ako. Pero hindi ako masyadong nag-aalala sa kakisigan ko dahil alam kong ito ay mananatili hanggang sa ako ay maging 40 years old.

Sa ngayon may mga tao talagang pinagkakamalan akong 20-25 years old. Por Bida! di ba ninyo alam ang kaibahan ng batang makisig at bata na bata pa pero matanda na ang pagmumukha? kung pwede ay pakiayos ng mata nyo, o kung hindi naman ay bumili na kayo ng salamin.

Noong isang gabi ay para akong gago na palakad lakad sa lansangan pagkat wala ako sa tama kung pag-iisip. Hindi ko sinasabing naloloko na ako pero sa tingin ko ay medyo nagdadalamhati ako sa kung ano anong mga bagay.

Sa mga bagay na gusto ko sana ay nandito pero wala.

Mga taong mahal ko pero malayo.

Sa nag-iisang ina na minahal ako ng buong-buo.

Sa mga pagkakataon na sana ay inalagaan ko ng maayos.


Sa mga pagkaing hindi ko kinain dahil nabusog na ako, sayang.



Sa mga sinayang na pagkakataon dahil sa walang kwentang pag-ibig.


Sa walang kwentang pag-ibig na naging dakila sa lahat.

Sa Johnson powder na nahulog sa imburnal at hindi ko na nakuha.
  
Sa tuyo at bagoong na ilang beses ko nang gustong planong kainin.

Sa mga taong binigyan ko ng rason upang ako ay iwanan.

Sa mga panahon na ako ay mag-isa at walang magawa.

Sa mga panahon na sana ay may ginawa ako pero wala akong lakas ng loob.

Sa mga panahon na may lakas ng loob akong lumaban pero hindi ko ginawa dahil alam kong hindi iyun ang tama.

Sa mga bagay na sana ay ipinaglaban ko pa pero dapat nang bigyang laya.

Sa mga araw na masaya pagkat may kasama.

Sa mga gabi na may nakakabinging katahimikan dahil nag-iisa.

Sa mga taong minsan ay mahalaga sa akin pero itinakwil ko dahil sa mga pangyayaring hindi ko lubos akalaing mangyayari.

Sa mga taong nagbago, at sa mga taong nanatiling matapat sa akin.

Sa mga pagkakataon na gusto kong sumali sa isang simbahan ng mga kaibigan ko. Gusto kong magsimba hindi upang ako ay maging Santo, hindi upang maging banal at walang kasalanan. Dahil kung mangyayari yun, hindi na ako yun.
Gusto ko lang maging parti ng isang pamilya na may kinalaman sa lumalang sa akin.

Ang Pinakamagandang Ina sa buong Mundo
Ang Pinaka Sexy na Ina sa Buong Mundo

Ang Pinakamabait na Ina sa buong Mundo

1 comment:

  1. Ritchell rodriguezMay 18, 2011 at 8:24 PM

    a tear fall from my eyes. ..nice bro. . .i love you lambay!hehe amping kiayahh..mama and i cares for you

    ReplyDelete

Feel free to drop some comments. It will be greatly appreciated. Thank You!