Hindi ko alam kung kailan ako huling umiyak.
Kagabi, ng ako'y naliligo at hawak hawak ang sabon sa aking mga kamay
ay bigla nalang may tumulo sa aking mga mata.
Kay lamig ng tubig, ngunit kay init ng aking katawan at hindi ko alam kung ano ang nangyayari.
Lumuha ako hindi lang isang beses, marami iyon.
Sa bawat luhang pumapatak sa sementong nabasa ng tubig ay hirap na hirap ako sa pagpigil ng aking mga luha.
May kung ano akong nais sabihin, pero walang nakikinig, walang gustong makinig.
Humagulhol ako ng malalim, pilit kung pinupunan ang hangin na nauubos sa aking
katawan. Wala akong nagawa kundi umiyak nalang talaga.
Bumaha ng luha sa aking mga mata habang ramdam ko ang sakit na matagal kung tinatago sa aking pagkatao.
Hindi ako naging isang mabuting anak.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin pero parang may gusto akong maramdaman na hindi ko na nalasap ng ilang taon.
Meron akong problema ngunit wala akong mapagsasabihan pagkat walang alam na may problema ako.
Hindi ko rin alam kung problema ba talaga ang dahilan kung bakit ako umiiyak.
Pero sa katagalan ay nalaman ko na rin ang dahilan.
Ako ang problema, ako ang nagkasala, hindi ako naging isang mabuting anak.
Mama, patawarin mo ako pagkat ngayon ay daha dahan ng nawawala ang direksiyon ng buhay ko.
No comments:
Post a Comment
Feel free to drop some comments. It will be greatly appreciated. Thank You!