Sunday, June 24, 2012

Walang Utak, Wala Lahat


Dahil ba editor ako ng isang weekly publication na ang gamit na linggwahe sa pagsusulat ay englis ay lilimitahan ko na ang aking sining sa isang wikang gawa gawa lang ng mga alien? Hindi. Kaya ngayon ay magsusulat ako ng Filipino dahil ako ay taong makamasa at ang dugo ni Rizal ay nanalaytay sa aking dugo.

Sa totoo lang, ang araw na ito ay walang kaibahan sa mga nakalipas na araw. Wala akong maisulat at kahit kunting likido na magmumula sana sa aking lamhad na kaisipan ay walang wala din. BRAIN DRAIN. Sinubukan ko ring magsulat ng tula na pawang kalokohan lamang. Mabuti pa nga ang kalokohan eh, may puwang sa isip ko.

Habang nakatotok ako sa motor na ito, may mga padaan daang mga langgam sa pader. Naisip ko tuloy kung masarap ba silang kainin. Kung malutong ba sila kung lulutuin. Tapos tumigin ako sa tv screen na 32-inch. Astig din to. Naalala ko noong bata pa ako na sa black and white tv lang kami nanonood noon. Nag-iba na nga talaga ang panahon. Nag-iba na rin ang pag-iisip ko.

Sanhi ito ng hindi ko lubusang pagligo araw araw. Pero alam ko rin naman na may kabutihan sa hindi pagligo. Kikinis ang balat mo. Yan ang sekreto ng mga koreano. Ang pagligo talaga. Ito ang isa sa mga problemang kailangan kong harapin araw araw. Pero kailangan ko munang tapusin ang palabas. Charle's Angles Full Throttle. Hindi ko palalampasin ang mga angels sa mga mata ko. Sige. Paalam na.

3 comments:

  1. likas na silang (KOREANs) mapuputi.. hahahah. Koreans talaga ha or may pinatatamaan kah?. LOL xD

    ReplyDelete
  2. Haha. Wala akong pinatatamaan ah. Hindi ako ganyan. Aw? Kinsa manang tawhana naas imong huna huna Je? Do not tell me, please, nga si OHMYGAD?

    Haha...

    ReplyDelete
    Replies
    1. wala akong sinasabi!> hahaha. pwede pung c cheenu kay atat man pud to ug KOreans. xD

      Delete

Feel free to drop some comments. It will be greatly appreciated. Thank You!