Minsan nga natatawa ako
sa sarili ko. Maliban sa nakakatawang mukha ni Bentong o sa mga reaksiyon ni
Mr. Bean o sa mga waley jokes ni Boy Pick-up ay wala nang mas nakakatawa sa
buhay ko. At oo, pareho tayo. Ang buhay mo rin ay nakakatawa. Pagka’t malaki ang
pagkakaiba natin sa kanila na ang buhay ay umiikot lamang sa telebisyon. Ang sa
kanila ay mga buhay na hiram. Yung buhay na pansamantala. Pero itong atin,
hindi. Totoo to. Nangyayari. At wala nang mas nakakatawa o nakakaiyak sa
totoong buhay ng isang tao.
Nakakatawa yung mga
panahong ginawa mo ang lahat para lamang makapasa sa exam mo na ang akala mo ay
long exam. Syempre, kinaumagahan na nang humiga ka sa kama at ilang oras lang
ang tulog mo dahil first period yung exam mo. Pero nang matapos ang exam ay nalaman
mong 10 items lang pala. At hindi mo pa nasagotan lahat dahil sa first chapter
lang kinuha ng magaling mong titser ang mga tanong niya. Okay lang, sampung
chapters lang naman ang binasa mo eh.
Nakakatawa yung mga
pagkakataong nakatapos ka ng isang minor subject mo tulad ng math o chemistry. At
sobrang bilib na bilib ka sarili mo dahil higher math o higher chemistry yung
pinasa mo. Pero alam na alam mo sa sarili mo na puro lang kayabangan ang meron
ka dahil hindi mo naman talaga maipapasa lahat yun eh kung hindi ka tinulungan
ng matalino mong klasmeyt.
Nakakatawa yung hihingi
ka ng extrang baon sa mga magulang mo dahil may projects ka raw sa school o di
kaya naman ay may field trip kayo sa cebu o manila. Dahil mahal ka ng magulang
mo ay nanghiram sila ng pera sa kapitbahay niyo para lang ibigay sayo. At yun,
ginamit mo nga sa project mo yung pera. Kasama mo yung girlfriend sa ginawa
mong project. Nanood ng sine. Kumain sa labas. Binilhan siya ng flowers o di
kaya naman ay teddy bear mula sa blue magic. Binilhan mo ng bagong t-shirt ang
boyfriend mo o di kaya naman ay kumain kayo sa Jolibee o di kaya naman ay mcdo.
Pagkatapos ng una niyong anniversary ay naghiwalay din kayo.
Pero siguro, wala nang
mas nakakatawa pa sa pag-ibig. Yung gagawa ka ng tula o lyrics ng kanta habang
tinutuno sa gitara para ibigay o iparinig sa kanya pero heto naming
kinababaliwan mo ay gumagawa din ng kanta o tula para sa ibigay sa iba. Yung panahon
ng hindi mo naman talaga gusto itong isang babae na nagpapapansin sayo kaya
dinededma mo lang. Pero huli na nung nalaman mong may pagtingin ka rin pala sa
kanya. Nang linapitan mo siya ay ayaw na niya sayo. Yung mga pagkakataong ayaw
mo munang pumasok sa relasyon dahil nakakabuwesit lang ito sa buhay pero may
biglang dumating na hindi naman kagandahan o kagwapuhan at sinimulang bwesitin
ka araw araw pero nagustuhan mo rin naman at nasanay kana lang din.
Nakakatawa rin ang mga
ekspektasyon ng mga tao kung editor ka sa pahina ng malikhaing pagsulat. Akala
nila sisiw lang sayo ang magsulat ng isang pahina o dalawa. At magkaka-crush
sayo ang mga bakla dahil nagugustuhan nila ang mga sinusulat mo. Tapos
maniningil pa ng kay aga-aga ang EIC mo na alam naman niyang sa susunod na araw
pa ang deadline mo, Yung tipong napre-pressure ka na at gusto mong sabihin sa
kanya na “chillax lang, huwag kang panic.” Pero wala silang kaalam alam na sa
bawat letra, sa bawat panahong iginugol mo sa pagsusulat ay ang katotohanang
sana ay hindi ka nalang naging isang manunulat. Na sana ay ibang sideline
nalang ang pinasok mo.
Grabiha bai..At some point, makaingon kog tinuod ni..XXXD. Anyway,, inun-ana jud ng kinabuhi broh..pasalamat nalang ta kai na involve ta ani nga klasi nga org..Tai kaning kinabuhi-a, igo jud ta..
ReplyDeleteAko Jess. Wala nako ani. Gulang nako. Happy go lucky nalang ko ani. Good luck nimo dodong sunod tuig.
ReplyDeleteHahaha...
Ug mahitabo man gali ry nga muabot sa punto ang akong gikahadlokan, well, wala koy mahimo.. apan, kabalo ug nag laum ko nga adunay muabot o mu-soar high pa maayo. Kabalo ko nga muabot gayund ang punto nga sila na makabatyag sa angay nilang buhaton..
ReplyDelete