Saturday, August 27, 2011

Usapang Boredom..



Dahil wala akong magawa sa buhay ko ngayong gabi (Isama na diyan ang katotohanang wala akong night-life dahil kung hindi pangit na babae ang mang-iimbita sa akin para gumimik ay mga manyakis na bakla naman. Ano na bang nangyayari sa panahon ngayon. Mga babae parang bakla, at ang ibang mga bakla naman ay saksakan ng kamanyakan).

Balik tayo sa usapan. Dahil wala akong magawa ngayon ay naisipan ko na namang mag-post ng tagalog na entry. Minsan nga ay sabi ng kabarkada kung babae, "Ryan, loud kaayo ka ug mag-tagalog tagalog ka." Ibig sabihin ay nakakasuka daw na tingnan kung ako ay magtagalog. Bakit? di ba ako mukhang Filipino? di ba ako pinanganak na purong puro na Filipino? (Di ko nalang sasabihin na may palagiang minsan na pinagkakamalan akong korean dahil sa aking kapogian at kakyutan :P ) Huwag mag-react. Blog ko to at kung gusto mong purihin ang sarili mo ay dun ka sa blog mo!

Simula kahapon ay may ginawa akong project. Ito ang Project Chix Hunting, kung saan ay binubugaw ako ng mga kaibigan kung babae sa mga kaibigan nilang babae. Medyo kailangan ko na kasi ng girlfriend. Ayaw ko na kasi ng fling-fling lang. Ayaw ko nang makipaglaro sa mga babaeng wala akong planong gawing girlfriend, dahil ganun rin naman ang mga plano nila sa akin. Katawan ko lang ang habol nila! (Huwag na kasing mag-react!)

Sampung mga Chix numbers ang nakuha ko kahapon. Ang specifications ay ito: Maganda, Matalino, Mabait, in other words "MMM". Ang iba sa kanila ay ang mismong nag-text sa akin. Wala lang. Trip ko lang. Wala naman kasi akong magawa.

Kailangan ko ng girlfriend. Bakit? Wala si mama. Walang magluluto, maglalaba, ,mag-aalaga sa akin, Walang gigising sa akin tuwing umaga. Walang taga-linis ng sahig at kwarto ko. Wala akong kasama maglakad. At higit sa lahat ay kailangan ko ng syota para makapaglaro ako ng DOTA kahit anong oras. E-tra-train ko siya para naman makapag ONE ON ONE kami parati. Minsan kasi, mahirap makahanap ng mga kalaban sa internet cafe, kaya pag nagka-syota ako. Okay lang kahit hindi five on five basta ONE ON ONE.


3 comments:

  1. ahaha!! walang makikipagbf sayo kung papagaw mo sa kanya yung mga ginagawa ng mama mo para sayo! lels. good luck ryann!!!! (;

    ReplyDelete
  2. LOL. Adik ka nga. Peace bro. :P

    Pero ganda ng mission mo. Pero dahil sa specifications mo, isang malaking GOODLUCK sayo. And I suggest, katulong na lang kunin mo, hindi gerlpren. LOL.

    Anyway highway, wala naman masamang mag-Tagalog. Buwan ng Wika pa naman. Nakahabol ka pa.

    Ganda ng blog mo. Nawili ako sa pagbabasa. Exchange links tayo o. Kung okay lang. :D

    ReplyDelete
  3. Hahai- bata jud. hehehe.. Adik nga lambay made my day. Cute na ngalan..

    ReplyDelete

Feel free to drop some comments. It will be greatly appreciated. Thank You!