Saturday, February 26, 2011

Kung lahat ng TAO ay TOTOO..


Kung lahat ng tao sa mundo ay totoo, kung lahat ng tao sa mundo ay hindi marunong magsinungaling, kung lahat ng tao sa mundo ay hindi kayang mag-sekreto, kung lahat ng tao sa mundo ay walang itinatago.

SIGURO... MALAKING DISGRASYA...

Isipin mo na lang kung isang araw ay pumasok ka sa paaralan niyo. At nasa frontliner ka tapos pumasok  titser mo.

Nang sinimulan na nya ang klase ay kumuha siya ng libro at itinaas ang kamay niya. Tapos biglang may kakaibang PUTOK.

Hindi lang yun. Nang magsimula na siyang magklase ay tila may kakaibang Showering na lumalabas sa bibig niya. Hindi naman umuulan. At lalong hindi invisible ang kisame sa tubig.

Tapos sasabihin mo "Sir, walang hiya ka. Maligo ka naman. Ang baho na ng katawan mo. Dahan dahan ka naman magsalita kasi ang baho ng laway mo"

Isipin mo nalang kung ito yung sinabi mo sa titser mo. Makakapasa kapa kaya?

Paano kung isang araw tinanong ka ng girlfriend mo.

"Love, okay lang ba ang make-up ko?"

At alam na alam mo na sa sarili mo ay nagmumukha talaga siyang bakla dahil ang kapal kapal ng make-up at lipstick niya.

"Ang pangit mo! Para kang bakla"

Isipin mo nalang kung ito yung sinagot mo, mahal ka parin kaya nya?

Paano kung nakita mo ang kaibigan mo ng nangupit ng pera sa isa mo pang kaibigan. Pero alam mo namang kailangan nya ng pera kasi may sakit nanay niya, at walang trabaho tatay niya. Alam mong mabait siya at nagawa lang niya yun dahil kailangan talaga.

Sasabihin mo ba sa titser mo na siya ang kumuha? Gusto mo bang ma.blacklist siya at ma.kick out sa school? 

Hindi naman siguro.

Minsan, ang buhay ay hindi TOTOO. Minsan punong puno ito ng kasinungalingan. Minsan may mga kasinungalingan na nagpapabuti para sa kapayapaan.

At kahit ilang beses mo pang humiling na sana ay Lahat ng Tao ay totoo, hindi yun mangyayari.

Dahil kung ang lahat ng tao ay TOTOO, walang KATOTOHANAN.

Dahil kung ang lahat ng tao ay MABUBUTI, walang KABUTIHAN.

Dahil kung lahat ng tao marunong MAGMAHAL, walang PAG-IBIG.

Nakuha mo? Alam kung hindi.

Ito nalang. Kung ang lahat ng UWAK ay ITIM, saan ang ITIM?

kung ang lahat ng TAO ay magaganda, sino pa ang MISS UNIVERSE?

Kung ang lahat ng TAO ay mayayaman, sino pa ang MAYAMAN?

Sana nakuha mo punto ko. :)

No comments:

Post a Comment

Feel free to drop some comments. It will be greatly appreciated. Thank You!