Monday, February 14, 2011

Ako at ikaw...Tayong DALAWA


Oo nga pala. Araw ng mga puso ngayon. May date ka ba? Ako meron. Pero mas gusto ko sana ay ikaw.

Teka. Di ko na alam kung anon pang mga kataga ang isusulat ko sa entry na ito kasi wala talaga akong maisip na isusulat eh.

Wala akong maisulat kasi hindi mga letra ang laman ng utak ko ngayong araw kundi ang mga sandaling tayo ay magkasama. Magkasama sa loob lamang ng ilang oras. aw? :)

Gustuhin ko mang pumuntad diyan, di pwede eh. Walang tulay na nagdudugtong sa ating dalawa. aw? :)

Huwag kang mag-alala kasi kakausapin ko yung Director ng Department of Works and highways at magpapagawa ako ng fly-over mula dito sa opisina hanggang dyan sa bahay niyo.

Kung pwede ko lang sanang hugutin ang puso ko mula sa kanang dibdib ko ay ipapadala ko ito sayo. Papa.LBC ko. Ito sana ang regalo ko sayo ngayong araw ng mga puso.

Ano bang nangyari at nagustuhan kita. Teka. Di ka naman yung tipong pang-love at first sight. Di rin ikaw yung tipong pag.papantasyahan nang lahat ng lalaki.

Pero iba ka. Ikaw yung tipo ng babae na dapat ingatan at alagaan. Ang mga tawa mo at mga salita ay nagpapasaya sa puso ko. Sa bawat oras na ikaw ay kasama ko ay parang nasa Robinson ako. Fresh na fresh ang ambiance kasi malakas ang aircon.

Tsaka ito pa. Di man kita naamoy ng malapitan ay alam kong hindi ka amoy aficionado. Amoy sampaguita ka. Kasi ikaw ang national flower ng buhay ko.

Pwede bang hiramin ang eye glasses mo? Kasi di ko makita yung FUTURE ko na wala ka.

Pasensiya ka na. Wala akong pera habang sinusulat ko ang post na ito. P11 pesos lang nasa bulsa ko kaya di kita mae.DATE. Malayo ka naman kaya problema din yun. At kung meron man ay Bananacue lang at kwek kwek ang mapapakain ko sayo.

Itong blog post ko nalang ang regalo ko sayo. Sana okay lang to. :)

No comments:

Post a Comment

Feel free to drop some comments. It will be greatly appreciated. Thank You!