This tagalog poem was dedicated to the dumbest lady who left me without a
reason. I met her last cold December 2008 and we ended up during hot last week of March 2009. However, toniet/gah, if you will going to read this post just please don't get jealous. Of course I made one for you and that I treasured all the good and bad things that happened before we broke up. I am still thinking of you and hoping I will see you someday. But that does not mean that I want to see you soon, maybe just later. Later, at the right time.
Ang Pasko at Ang ating Pagibig
Paskong ka'y giliw mga landas nagtagpo
Ginaw ng gabi'y di ko kinibo
Ako'y nagramdam hinintay kang saglit
Hanging kay ingas yapak mo'y sambit
Aking nakita, rosas na mabighani
Hampas ng hangin tuluyang napawi
Kamay ay nagyelo, di alintana
Matitigan lang, ika'y ka hanga-hanga
Talagang di ko kailan maikakatwa
Sa totoo'y isa kang tunay'ng diwata
Buhok ay kulot ,ikaw ay prinsesa
Buo mong anyo marikit kayganda
Tanglaw ng gabi'y diyos may gawa
Bituing kay liwanag, umano'y kikislap
Pintig ng puso'y yari mailap
Tibugsong damdamin sabihin kay hirap
Papauwi ako sa gitnang kadiliman
Aking kasiyahan di maintindihan
Alas dos ng umaga ako'y dumating
Gustong matulog ay di himbing
Sa aking pag-gising araw sisikat
Buong mundo'y aking kabalikat
Huni ng ibon, luntiang dahon
Lalim ng dagat, kalmadong alon
Saan man tumingin ika'y nakalathala
Pluma't tinta ay aking kinuha
Inibig kita sa unang pagkikita
Itong kataga'y galing sa makata
Laman ka ng aking sulat-kamay
Bawat kataga, ikaw ang buhay
Bawat tula, ika'y nakahimlay
Lahat ng ito sayo aking alay
Buong buhay ika'y hinintay
Saang lupalop ako'y naglakbay
Hanapin pagmamahal'ng tunay
Isang taong kapikas ng buhay
Huwag kana sana sa akin kumawala
Puso nati'y bihag ni kupidong-pana
Ating mga kahilingan binigyang tugma
Ikaw at ako, tayo'y itinadhana
No comments:
Post a Comment
Feel free to drop some comments. It will be greatly appreciated. Thank You!